PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa Piling ng Kalapati (9)

IPINOST na ni Ruth sa FB ang tungkol kay Coco. Kinunan niya ito ng picture at saka nilagyan ng caption. Nakasaad kung saan natagpuan at kung saan makikita. Hindi na niya nilagyan ng phone number dahil maraming nanloloko. Kailangang puntahan ng personal ang bata sa nakasaad na address at magdala ng identification nito gaya ng birth certificate at iba pang pagkakakilanlan bilang patibay.

Sinabi niya kay Mommy Donna na nasa FB na. Pumasok siya sa kuwarto nito dahil ayaw niyang marinig ni Coco na noon ay nasa sopa at nakahiga.

‘‘Ipinost ko na Mommy.’’

“Mabuti. Kailangang mapuntahan na yan ng parents niya. Kapag may nangyari diyan, baka tayo ang sisihin.’’

“Naaawa ako Mommy, talagang gusto niya rito.’’

“Bruha ka, may magulang yan no! Kung walang magulang ‘yan baka makumbinsi mo ako. E mayaman pa sa atin yan at tingnan mo naman ang kinis-kinis ng balat.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Naawa lang ako, Mommy Donna.’’

“Ikaw ang nakaka-awa nun Ruth. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na kupkupin ka. Halos mapaiyak ako nang gabing makita kita. Matigas ang kalooban ko at hindi basta-basta umiiyak pero nang makita kita sa gilid ng convenient store sa Doroteo Jose na namimilipit sa sakit ng tiyan nadurog ang puso. Hindi na ako nag-isip pa at isinama na kita rito.’’

Nakatingin si Ruth sa ina-inahan. Maya-maya, may dalawang butil ng luha na nag-unahan sa paggulong sa pisngi niya. Pagkaraa’y niyakap si Mommy Donna at may ibinulong: “Salamat Mommy sa ginawa mo sa akin.’’

Napaluha rin si Mommy Donna.

 

ISANG araw ang lumipas at may resulta na sa FB. Nag-message na ang mommy at daddy ni Coco. Sila raw ang magulang. Susunduin nila ang anak. Walang tigil sa pasasalamat ang mag-asawa kay Ruth.

Sinabi ni Ruth kay Coco na susunduin na ito ng mommy at daddy niya.

Masamang-masama ang loob ni Coco.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: