PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa Piling ng Kalapati (8)

“BA’T umiyak yan?’’ Ta­nong ni Mommy Donna kay Ruth.

“Kasi’y ayaw ipa-post sa FB.’’

“Bakit?”

“Naglayas pala sa ka­nila ‘yan!’’

“Naglayas? Kabata-bata pa n’yan marunong nang maglayas!’’

“Taga-New Manila raw siya.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Mayayaman ang mga naroon ah! Minsan, may sinerbisan ako roon ah --- sa may Balete Drive.’’

Pumakla ang mukha ni Ruth. Masyado nang bulgar ang ina-inahan.

“Bakit daw ayaw ipa-post sa FB?’’

“Huwag daw e. Kanina umiyak na yan. Huwag na raw i-post.’’

“Hindi puwede, baka maakusahan tayong kid­naper. Habambuhay sa kulungan ang parusa sa kidnapping. Ayaw kong makulong! Hindi puwede ang gusto niya.’’

“Anong gagawin natin Mommy?’’

“Kakausapin ko. Ano bang pangalan ng batang ito?

“Coco.”

“Coco ano?

“Ayaw sabihin ang apel­yido e.’’

Nilapitan ni Mommy Donna si Coco.

“Ipo-post na ni Ruth sa FB na nakita ka namin. Pag nabasa ng parents mo, tiyak susunduin ka rito. Kailangang makauwi ka na sa inyo…’

Umiyak muli si Coco. Tumulo na ang luha.

“Hindi ka puwede rito. Kaya ka lang namin iniuwi rito ay dahil kinakaligkig ka habang nakahiga. Ngayong magaling ka na, uuwi ka na sa inyo.’’

“Huwag po. Dito na lang po ako.’’

Sumimangot si Mommy Donna.

“Hindi puwede, baka akusahan kaming kidnapper. At isa pa, hindi na ako nag-aampon. Tama na si Ruth sa inampon ko.’’

Ngumuyngoy si Coco.

Tinawag ni Mommy Donna si Ruth.

“I-post mo na sa FB itong si Coco. Hindi natin siya puwedeng patirahin dito. Makukulong tayo.’’

“Opo. Ipo-post ko na.’’

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: