PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa Piling Kalapati(7)

“BAKIT ka naglayas, Coco?” Tanong ni Ruth.

“Lagi akong pinagagalitan ng mommy ko. Lahat nang ginagawa ko ay mali! Wala na akong ginawang tama.’’

“Aba masama ang ginawa mo. Baka ngayon ay nag-aalala na ang mommy mo.’’

Umiyak si Coco.

“Kailangan ma-post ko sa FB ang pagkawala mo at sasabihin ko na natagpuan kita!’’

“Huwag!” Sansala ni Coco.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Bakit huwag? Gusto mo ba na pagbintangan akong ki­nidnap ka. Baka ma­kulong ako!’’

“Basta huwag Ate Ruth. Dito muna ako sa inyo. Mas gusto ko rito!’’

Nabagbag ang ka­looban ni Ruth. Sa ma­ikling panahon ng pagkupkop niya kay Coco ay naramdaman agad nito ang pagmamahal niya.

“Dito muna ako Ate Ruth, sige na.’’
“Taga-saan ka ba?’’

“New Manila.’’

“Saan dun? Malawak ang New Manila. Mayayaman ang nakatira roon ah. Si­guro mayaman kayo ano?’’

Hindi nagsalita.

Hanggang sa dumating si Mommy Donna.

“Kumusta ang alaga mo, Ruth?’’

“Okey na Mommy.’’

“Naipost mo na ba sa FB na napulot natin? Baka mademanda tayo dahil diyan.’’

“E…”

Biglang umambu­ngal ng iyak si Coco.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: