Nunal (134)
“HALIKA, Mahinhin, dun tayo maupo sa malapit sa pampang ng ilog. Ngayon lamang tayo magkakasarilinan pagkaraan din ng ilang buwan na pagkakawalay. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito,” sabi ni Robert at hinawakan ang kamay ni Mahinhin.
Nagtungo sila sa pampang ng ilog. Naupo sila sa damuhan. Tinanaw nila ang malinaw na tubig.
“Anong pangalan ng ilog na ito, Mahinhin?”
“Ilog ng Pola.’’
“Bakit Ilog ng Pola?’’
“Humahantong daw kasi ito sa bayan ng Pola at saka luluwa sa dagat.’’
“Saan galing ang tubig? I mean saan nagmula ang ilog?’’
“Sabi sa Sabang daw. Hindi ako sure. Malayo raw iyon.’’
“Galing bundok?’’
“Oo. Ni minsan daw ay hindi natuyuan ang Ilog Pola kaya dito rin kinukuha ang patubig para sa mga palayan.’’
“Ganun ba? Marami palang pakinabang sa ilog na ito.’’
“Oo. Diyan kami naglalaba at naliligo.’’
Napangiti si Robert. Gusto niyang sabihin kay Mahinhin na nakita na niya ang paliligo nito noon. Napagmasdan na niya ang hubad na katawan nito. Pero nanahimik na lang siya.
“Bakit ka napangiti Robert?’’
“Ha? Wala. May naisip lang akong nakakatawa.’’
“Ano yun?’’
“Basta.’’
Maya-maya, may sinabi si Robert.
“Maligo tayo. Maalinsangan na.’’
Atubili si Mahinhin.
“Baka may maka-kita sa atin.’’
“Wala namang tao.’’
Nagpalinga-linga sa paligid si Mahinhin.
(Itutuloy)
- Latest