^

True Confessions

Nunal (132)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SERYOSONG-SER­YOSO si Mahinhin ha­bang iginuguhit ang hubad na katawan ni Robert. Ngayon lamang siya naging inspirado nang ganito. Ito rin ang una niyang pagpi­pinta mula nang ma­tigil dahil sa ginawang pagtatago kay Tsekwa. At lalo pa nga siyang naging inspirado dahil dalawa na sila ni Robert sa canvas. Ang galing din naman ng suhestiyon ni Robert na isama siya sa painting na hubad din. Malikot din ang imahinasyon ni Ro­bert.

Tamang-tama ang mga hagod niya sa ka­tawan ni Robert. Pati mga kaliit-liitang de­talye sa bahaging puwitan nito ay nagawa niya. Kakaiba ang na­raramdaman niyang­ sigla sa pagpipinta. Si­guro nga’y dahil magkasama na sila ni Robert.

“Matagal pa ba Mahinhin?’’

“Malapit na.’’

“Kasi’y kinakagat na ako ng lamok. Baka ma-dengue ako.’’

“Saglit na lang. Malapit na malapit na.’’

“Siguro ang ganda niyan ano? Naiima­dyin ko na ang ginagawa mo.’’

“Masosorpresa ka Ro­bert.’’

“Talagang maganda?’’

“Hmmm, ikaw ang mag-judge.’’

“Gusto ko nang makita.’’

“Sandali na lang.’’

Ilang matitinding hagod pa ang ginawa ni Mahinhin at natapos ang ginagawa.

“Puwede mo nang tingnan, Robert.’’

“Teka at magbibihis lang ako. Kakahiya ang itsura ko.’’

(Itutuloy) 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with