Nunal (123)
BINILISAN ni Tsekwa ang pag-akyat sa hagdan habang ang dalawang tauhan ay nasa ilalim pa. Hindi makaakyat nang mabilis ang dalawa dahil umuuga ang hagdan dahil sa bigat ni Tsekwa.
“Bilisan mo Bossing para makalabas na rin kami,’’ sabi ng isang tauhan.
“Oo,’’ sagot ni Tsekwa pero iba ang nasa isipan niya.
Pagdating niya sa itaas ay lalagyan niya ng takip ang bunganga ng basement para hindi makalabas ang dalawang tauhan. Malakas ang kutob ni Tsekwa na ipagkakanulo siya ng dalawang tauhan kaya naisipan niyang ikulong ang mga ito.
Hanggang sa wakas ay isang baytang na lamang ang hahakbangan niya.
Malapit na siya sa itaas! Humanda ka, Mahinhin! Papatayin kita. Marami kang atraso sa akin.
Hanggang sa ganap siyang makaakyat sa bunganga ng basement. Isinungaw niya ang ulo.
Hindi siya makapaniwala sa nakita.
Mga PDEA agents ang naghihintay sa kanya!
“Arestuhin siya!’’
Nang akmang babalik siya sa basement, hinablot siya ng PDEA agent.
“Saan ka pupunta ha?”’
(Itutuloy)
- Latest