^

True Confessions

Nunal (111)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA si Robert nang mapansin na malinis ang kabuuan ng bahay. Makintab pa rin ang sahig. Wala siyang nakitang alikabok sa sopa o maski sa ibabaw ng TV at mga pigurin sa center table. Sabagay, wala namang gaanong alikabok dito sa Maragooc dahil kakaunti pa ang mga nakakapasok na sasakyan. Karamihan ay mga traysikel lamang ang nakakapasok dahil hindi pa gaanong maayos ang kalsada.

Pinagmasdan niya ang kisame, wala rin siyang nakitang agiw o bahay ng gagamba. Malinis na malinis! Parang may naglilinis sa bahay na ito. Baka kaya mayroong inutusan si Mahinhin na maglinis ng bahay. Baka mayroon siyang kinausap na tao para maglinis habang sila ay wala. At siguro, kaya nakakita ng usok si Anto rito ay dahil nagluluto ang taong naglilnis ng bahay. Posible nga.

Pero bakit wala siyang nakitang tao sa kusina nang silipin niya. Sabi ni Anto, ilang beses siyang sumi­lip pero wala siyang nakita. Naisip daw ni Anto na baka mayroong “nagbibiro” sa kanya. Sabi pa ni Anto, madalas daw siyang maka-experience na may nagbibiro sa kanya – gaya halimbawa noon na naligaw siya. Hindi niya makita ang dadaanan patungo sa bahay. Ang ginawa niya, binaliktad ang damit at saka lamang nakita ang bahay.

At ito ngang naranasan niya na nakitang may umuusok sa kusina ay hi­nihinala niyang kagagawan ng mga “palabiro” na nambiktima sa kanya.

Nagpatuloy si Robert sa paglalakad sa kabahayan. Nagtungo siya sa kusina. Malinis din doon. Maayos ang pagkakasalansan ng mga pinggan at baso. Maayos ang mesang kainan.

Hanggang sa may napansin si Robert sa suwelo sa sulok. May nakita siyang butas na may nakatakip. Hindi maayos ang takip. Naghinala siya na may basement ang bahay!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with