^

True Confessions

Nunal(110)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SABI ko kay Nesto at Cely mag-ingat sila. Huwag agad magbubukas ng pinto lalo sa gabi,’’ sabi ni Robert.

“Sana isinama mo na lang sila rito. Mas safe sila rito, Robert,’’ sabi ni Anto.

“Nag-aaral ang anak nila.’’

“Paano mo ba nakilala si Nesto?’’

“Waiter dati sa Pugad-Uwak KTV. Yung club na pinagsayawan ni Mahinhin. Naging kaibigan ko mula noon. Siya rin ang nagsabi sa akin na tagarito sa Maragooc si Mahinhin.’’

“Bakit umalis na rin siya sa Pugad-Uwak KTV?”

“Sarado na ang KTV noon pa. Kasi nga’y lumipat sa illegal drugs si Tsekwa na may-ari. Mas malakas ang kita sa droga­.’’

“Naging cook si Nesto sa isang panciteria sa Sta. Cruz pero nagsara na rin. Hanggang sa magkita kami at naawa ako. Sa bahay ko na pinatira silang mag-anak. Ginawa kong driver si Nesto at si Cely naman ay katulong sa bahay. Okey naman sila.’’

“Napabuti pala ang ka­­lagayan nila,’’ sabi ni Anto.

“Oo. Pero ngayon, napapadamay na sila dahil sa ginagawa ni Tsekwa.’’
“Sana mapatay na ng PDEA ang drug lord na iyon ano para tapos na ang problema natin.’’

Napatango si Robert. Ganundin ang hinihiling­ niya. At isa pa, sana ma­kita na si Mahinhin.

KINABUKASAN, mag-isang nagtungo sa bahay ni Mahinhin si Robert. Mas­yado na niya nami-miss si Mahinhin. Kahit paano, nawawala ang na­darama niyang kalungkutan kapag nakikita ang bahay ni Mahinhin. Kailan kaya niya makikita si Mahinhin?

Ipinasya niyang pumasok sa bahay. Hindi naman nakakandado iyon. Gusto niyang makita ang kusina na sinasabi ni Anto na may nakita siyang usok.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with