^

True Confessions

Nunal (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANGHIHINAYANG si Robert sa nasirang pain-ting ni Mahinhin. Paano kaya ito maibabalik sa dati? Butas-butas ang canvas. Bali-bali ang frame. Sayang ang pagod ni Mahinhin sa pagpinta ng obra.

Pinulot niya ang mga sira-sirang bahagi ng pain-ting. Inilagay niya sa plastic container para hindi magkapira-piraso. Kapag natagpuan na si Mahinhin, saka pa lamang ito magkakaroon muli ng buhay. Maaaring maibalik ni Mahinhin ang ganda ng obra.

Pero paano? Hanggang ngayon, hindi pa makita si Mahinhin at ang kapatid na si Bighani. Marami na silang pinagtanungan pero walang makapagsabi kung nasaan ang mga ito.

Tumutulong na rin ang PDEA sa paghahanap pero negative ang huling report. Walang makapagsabi.

Nangamba si Robert nang biglang maisip na baka maunahan sila ng mga tauhan ni Tsekwa sa paghanap kay Mahinhin. O maaari rin naman na siya ang hinahanap ng mga tauhan ni Tsekwa.

Naghanda siya sa ma­aaring mangyari.

Sinabihan na rin niya si Nesto, Cely at anak nito na maging alerto. Huwag magpapapasok sa bahay ng kung sinu-sino.

 

KINABUKASAN, bigla siyang tinawagan ni Anto mula sa Maragooc. Maha­laga ang tawag.

“Robert, pumunta ka ngayon din dito sa Maragooc. May sasabihin ako sa’yong mahalaga.

“Ano yun Anto?”

“Basta magtungo ka ngayon din.’’

Nagmamadaling umalis si Robert. Nagpaalam lamang siya kina Nesto at Cely. Inulit niya ang paalala na huwag magpapapasok ng kahit sino. Maging alerto sapagkat umaaligid ang mga tauhan ni Tsekwa. Tawagan agad siya kung mayroong nangyari.

GABI na nang dumating siya sa Maragooc. Napa-kadilim ng Maragooc. Wala pa ring kuryente ang kara-mihan sa mga bahay.

Nagluluto ng hapunan si Anto nang maratnan niya.

“Mabuti at dumating ka Robert. Mahalaga itong sasabihin ko.’’

“Kanina mo pa ako sinasabik, Anto. Ano ba yun?’’

“Teka at maghahain na ako para makakain ka. Alam kong gutom na gutom ka.”

Habang kumakain, sinabi ni Anto ang mga nangyari.

“Kahapon at kaninang umaga, nang magtungo ako sa bahay ni Mahinhin, mayroon akong napansin. Umuusok sa bahaging kusina. Sinilip ko kung may tao sa loob. Wala naman!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with