^

True Confessions

Nunal (105)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DUMATING sina Robert  at Nesto mula sa Maragooc at naratnan na nila  sa bahay si Cely. Shock pa rin si Cely habang kasama ang isang policewoman na nagboluntaryong babantayan ang na-shock na si Cely.

Naroon na rin ang  anak na dalagita ni Cely.

Niyakap ni Nesto ang asawa. Ikinuwento ni Cely ang buong pangyayari.

Akala raw ni Cely ay katapusan na niya. Mabuti at nakatakas siya.

Pinayapa ni Nesto ang asawa.

“Mabuti at nakaligtas ka Cely.’’

“Sa simbahan ako tu-muloy, Nesto. Nang magtungo rito sa bahay ang

PDEA, nakaenkuwen-tro nila ang mga drug suspect.’’

“Salamat sa Diyos at ligtas ka pati ang ating anak.’’

Napakagat-labi si Ro-bert nang makita ang gutay-gutay na painting ni Ma-hinhin. Parang alam ng mga tauhan ni Tsekwa na doon nakatago ang CD.

Hindi alam ni Robert kung maibabalik pa sa dati ang painting. Si Mahinhin lamang ang makakasagot niyon dahil ito ang gumawa ng painting.

Pero malaki pa ang pro­blema dahil hindi makita     si Mahinhin at kapatid nitong si Bighani.

Wala silang nakuhang impormasyon kay Mahin-hin nang umuwi sila sa

Maragooc. Sabi ni Anto, nananatiling walang tao sa bahay nina

Mahinhin.

Kinakabahan na si Robert. Ano na ang nangyari kay Mahinhin.

Nasa ganoong pag-iisip si Robert nang duma-ting ang hepe ng PDEA.

Binigyan ng update si Robert. Hinahabol na pala nila si Scarface Tsekwa at maaaring madakip na nila ito.

Nagtanong si Robert.

“Sir, may balita na po ba tungkol sa girlfriend kong si Mahinhin?’’

“Hinahanap pa siya. Habang hinahabol namin si Tsekwa, ang ibang

tauhan ko ay nagha-hanap kay Mahinhin.’’

“Salamat po.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with