PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (104)

“MGA wanted criminals itong nadale natin,” sabi ng team leader. “Mga ta­uhan ito ng drug lord na si Tsekwa.’’

“Tama ang sabi ni Director. Mabubuwag na ang sindikatong ito. Tiyak na kinakabahan na si Tsekwa. Malakas ang ebidensiya sa kanya.’’

“Talagang buwag na dahil sa CD. Mabigat ang ebidensiya sa kanya.’’

“Pero hindi pa rin tayo nakakasiguro. Marami raw tauhan si Tsekwa. Lalaban tiyak yun. Dahil maraming pera, maa­aring makalabas pa ng bansa. Kaya kailangang makapag-isyu ng hold departure order sa kanya.’’

“Alam na ni Director yun. Nakatimbre na sigurado.’’

“Bilib din ako sa nag-rekord ng conversation ni Tsekwa at ng sindikato sa Hong Kong. Malinaw na malinaw. Pati yung pagdating ng shipment sa Customs. Ganundin ang paglabas at pagtransport ng droga. Maraming ka­sabwat sa Customs.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Kaya nga dapat para­ngalan ang babaing nag­rekord ng conversation sa CD.’’

“Pero nawawala raw ang babaing yun sabi ni Director. Nagtago raw dahil hinahanap ni Tsekwa.’’

“Hindi kaya pinatay na rin?’’

“Baka namang nagtatago lang talaga.’’

“Pinahahanap nga ni Director ang babae.’’
“Dapat tumulong tayo. Bayani siya.’’

Hangang dumating ang SOCO team at isa-isang siniyasat ang mga napatay na drug suspects. Ang nahuli ay dinala ng PDEA agents sa Crame.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: