PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (97)

NANG makuha ng ta­uhan ni Baldo ang painting­ na nakasabit sa dingding, ay agad nitong pinagsasaksak.

“Sige sirain mo! Baka nariyan ang hinahanap nating CD!’’

Agad nasira ang painting dahil sa mga saksak. Butas-butas ang canvas at pati ang frame ay tinamaan ng saksak.

Pagkatapos ay winarak ito para makita kung naroon ang CD.

“Wala, Baldo! Mali ang hula mo!’’

“Tingnan mong ma­buti gago. Hindi mo pa nakikita ang ilalim, e wala ka na agad diyan!’’
“Wala nga eh!’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Tingnan mo! Manipis lang ang CD e baka napasingit lang.’’

Binulatlat ng tauhan ang nawarat na painting. Sinaliksik ang ilalim at mga singit-singit.

“Wala!’’

Napamura si Baldo. Malilintikan sila kay Scarface Tsekwa.

“Putang ina! Ano ang sasabihin natin kay Bos­sing?’’

“E di wala. Wala naman talaga!’’

“Hindi yun tumatanggap ng wala!’’

“E anong gagawin natin?’’

“Nasaan kaya yung lalaki na sinasabi ni Bos­sing na may-ari ng bahay na ito?’’

“E di itanong natin sa babaing katulong!’’

“Oo nga ano. Teka at pupuntahan ko sa kubeta. Doon ko kinulong yung babae.”

Nagtungo si Baldo sa kubeta.

Pero nagtaka siya nang malaman na wala na ang babaing ikinulong doon. Nakatakas!

“Putang-ina, natakasan tayo! Baka nagsumbong na sa pulis. Hanapin n’yo at baka hindi pa nakakalayo!’’

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: