PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(93)

“ANO ang gagawin natin ngayon Sir Robert?’’ Tanong ni Nesto nang makauwi sila sa bahay.

“Iniisip ko kung saan natin hahanapin si Mahinhin. Pakiwari ko, para tayong naghahanap ng ka­rayom sa bunton ng dayami.’’

“Wala ka po bang alam na lugar na maaaring pagtaguan ni Mahinhin at kanyang kapatid?’’

“Wala akong alam, Nesto. Nabigla na nga lamang ako nang bigla silang umalis sa kanilang bahay. Nag-iwan ng sulat at ako na raw ang bahala sa kanyang paintings.’’
“Ma­­aari kayang nasa kanilang lugar din si Mahinhin?’’

“Ibig mong sabihin nasa Maragooc pa rin sila?’’

“Opo. Mas kabisado nila roon kaysa sa iba pang lugar sila magtungo.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nag-isip si Robert. Muk­hang may katotohanan ang sinabi ni Nesto. Pero saan sa Maragooc nila ha­hanapin si Mahinhin at ka­patid na si Bighani.

“Maliit lang po ba ang Maragooc?’’

“Maliit lang.’’

“Baka po nasa kamag-anak nila?’’

“Wala na silang kamag-anak sa Maragooc.’’

Natigilan ang dalawa. Mahirap talagang hanapin sina Mahinhin. Para ngang naghahanap sila ng kara­yom sa dayami.

SAMANTALA, galit na galit si Scarface Tsekwa sa mga tauhan niya nang malamang nakalusot na naman si Bianca sa bitag nila.

“Mga inutil kayo! Hanggang ngayon, hindi n’yo pa nakikita si Bianca. Ano bang meron ang Bianca na iyon?’’

Isang tauhan ang nagsalita, “Bossing nalaman ko na hindi Bianca ang pangalan niya kundi Mahinhin.’’

Napakunot ang noo ni Scarface Tsekwa. Lalong pumangit ang peklat sa pisngi.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: