PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (92)

“SAMAHAN mo ako sa PDEA, Nesto, ibibigay natin sa kanila ang CD para tumibay ang ebidensiya sa drug lord na si Tsek­wa,” sabi ni Robert.

“Sige po Sir Robert. Ngayon na po ba?’’

“Oo. Huwag na nating ipagpabukas sapagkat mahalaga ang bawat oras. Nasa panganib sina Mahinhin o Bianca at kapatid niya.’’

Nang hapon na iyon, nagtungo sa PDEA office sina Ro­bert at Nesto. Nakaharap nila ang chief ng PDEA at nasiyahan sa isinurender nilang CD.

“Narito po sa CD ang conversations ng drug lord na si Tsekwa at ng sindikato sa Hong Kong. Itinago po ito ni Mahinhin sa ilalim ng naka-frame na painting.’’

“Mabuti at narekober mo, Mr. Robert. Titibay ang ebidensiya laban kay Scarface Tsekwa. Teka sino itong si Mahinhin?’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Siya po ang nag­rekord ng conversations. Pagkatapos maitago ang CD, nagtago na po siya kasama ang kapatid dahil hinahanap ng mga tauhan ni Tsekwa.’’

“Ganun ba? Dapat pala hanapin din si Mahinhin. Sige mag-aassign ako ng mga agent para hanapin at maprotektahan sina Mahinhin.’’

“Salamat po Sir.’’

“Mag-ingat kayo Mr. Robert. Tawagan mo agad in-case na nasa panganib kayo.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: