PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (91)

MAKALIPAS ang dalawang oras ay dumating sina Nesto. Ipinakilala nito kay Robert ang asawa at nag-iisang anak.

“Sir Robert, si Cely misis ko at anak kong si Jinky.’’

“Kumusta kayo. Mula ngayon, dito na kayo. Sinabi na ba ni Nesto ang mga gagawin mo, Cely?’’

‘‘Opo Sir Robert. Marami pong salamat sa tulong mo. Napakabuti mo po.’’

‘‘Walang anuman. Sige ayusin n’yo na ang mga gamit. Yung malaking kuwarto sa basement ang sa inyo. Kasyang-kasya ang mga gamit n’yo roon. May aircon yun. Linisin n’yo lang mabuti at matagal nang hindi nagagamit.’’

“Opo Sir Robert, kami na po bahala ni Nesto. Kayang-kaya ko pong linisin yun. E ano po ba ang iluluto kong ulam sa iyo Sir sa tanghalian?’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nasa ref ang mga ulam. Magpaksiw ka ng isda at ginisang monggo.’’

“Sige po Sir.’’

Dinala na nina Nesto at Cely ang mga gamit sa basement.

Nakahinga nang maluwag si Robert. Nakatulong siya sa kanyang kapwa.

Biglang naalala ni Robert ang CD na nakuha niya sa self-portrait painting ni Mahinhin. Nalilito siya kung ibibigay na ito sa PDEA o sa pulis para makagawa ng hakbang sa drug lord na si Tsekwa. Hihingi siya ng tulong kung paano makikita si Mahinhin na nagrekord ng conversation ni Tsekwa at ng lider ng sindikato sa Hong Kong. Kailangang makita niya si Mahinhin.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumapit si Nesto. Nagulat siya nang magsalita ito.

‘‘May problema ka Sir Robert?’’

Sinabi na ni Robert  ang tungkol sa CD na itinago ni Mahinhin.

‘‘Sa palagay mo, ka­nino ko dapat ibigay ang CD --- sa pulis o sa PDEA?’’

‘‘Sa PDEA Sir Robert. Marami pong palpak na pulis ngayon. Karamihan sa kanila ay protektor ng sindikato.’’

Natigilan si Robert. Tama si Nesto. Baka lalo lamang mapahamak si Mahinhin at kapatid nitong si Bighani.

Sa PDEA niya ibibigay ang CD.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: