PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (89)

ITINAGO ni Robert ang CD sa cabinet at maingat na nagtungo sa pintuan para tingnan kung sino ang nagbubukas ng gate.

Sinilip niya sa nakaawang na pinto. Wala siyang nakita. Baka naman pusa lang ang lumikha ng ingay.

Muli niyang sinilip. Wala talaga!

Bumalik siya sa kuwarto. Kinuha ang CD sa cabinet. Iniisip niya kung ano ang gagawin sa CD.

Ibigay na kaya niya sa PDEA para malaman na ang lawak ng sindikato ni Tsekwa. Kaila­ngang mahuli si Tsekwa at nang mahanap na rin si Mahinhin at kapatid nitong si Bighani. Natatakot si Mahinhin sa mga mangyayari kaya nag­tago.

Pero naisip niya, bakit kaya inilihim pa ni Mahinhin sa kanya ang tungkol sa CD. Bakit hindi agad sinabi para nakagawa ng paraan. At dito pa pala sa painting niya tinago ang CD. Kung alin ang nagus­tuhan kong painting, ay doon niya itinago ang CD. Bakit kaya sa self-portrait niya tinago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hanggang may maalala si Robert noong panahon na idinaos ang art exhibit ni Mahinhin dito sa kan­yang bahay. Dalawang lalaki ang napansin niyang pumasok sa gallery at tumingin-tingin sa mga paintings ni Mahinhin. Paikut-ikot na para bang may hinahanap. Ma­karaan ang ilang mi­nuto ay umalis din.

Mga tauhan marahil ni Tsekwa ang mga yun. Nalaman na nila kung saan nakatago ang CD at iniisa-isa ang paintings.

At ang narinig niyang ingay sa gate ay maa­aring nagtatangkang pumasok ang mga tauhan ni Tsekwa.

Muli ay nagmatyag siya at baka nasa loob na ng bahay ang mga tauhan ni Tsekwa.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: