PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (88)

MAINGAT na tinanggal ni Robert ang frame ng painting na ginawa ni  Mahinhin. Nahirapan siyang alisin ang frame sapagkat napakapulido ng  pagkakagawa. Kapag nagkamali sa pagtatanggal ay ma­aring mapunit ang  kambas. Paano kaya nailagay ni Mahinhin ang CD gayung sel­yadung-selyado ang painting dahil sa frame.

Inabot siya ng isang oras bago naalis ang frame. Kailangang alisin lahat para malaman niya kung saang part nakatago ang CD.

Habang ginagawa iyon ay nagdarasal si Robert na narito nga sa painting ang CD para siya na mismo ang magdadala sa PDEA. Kailangang  malaman ng PDEA ang tungkol sa drug transactions ni Tsek­wa at para  mahanap na rin si Mahinhin at si Bighani.

Nang matanggal ang frame, pinipigil ni Robert ang paghinga. Sinalat-salat niya ang kambas para malaman kung doon nakalagay ang CD. Wala sa dakong sinalat niya. Dumako siya sa kabilang side ng kambas at marahang sinalat. Wala rin.

Nang salatin niya ang isa pang side, dun siya may nasalat na matigas.

Kinapa-kapa muna niya. Marahan na marahan at baka magalusan ang kambas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hanggang sa mahawakan niya ang hina­hanap na CD. Ito na nga!

Dinukot niya nang dahan-dahan. Hanggang sa tuluyang makuha.

Pinagmasdan niya ang CD. Ito ang dahilan kung bakit nagtatago si Mahinhin.

Ipinatong niya ang CD sa table.

Ibinalik niya ang frame sa kambas.

Eksaktong natapos niya ang pagkakabit sa frame, may narinig siyang nagbubukas ng gate.

Nalaman na kaya ng mga tauhan ni Tsek­wa na nasa kanya ang CD?

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: