PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (87)

SINABI ni Robert kay Anto ang nasasaisip niya ukol sa hinahanap ng CD na umano’y kinapapalooban ng usapan ni Tsekwa at drug syndicates sa Hong Kong at China.

“Palagay ko ang hina­hanap na CD ay nasa magandang painting na ibinigay niya sa akin.’’

“Nasaan ang painting, Robert?’’

“Nasa bahay. Iyon ang painting na pinakaka­inga­tan niya. Binabayaran ko ang painting pero ayaw pumayag. Regalo na raw niya sa akin. Ingatan ko raw.’’

‘‘Kasama ba yun sa mga painting na dinala mo sa Maynila para ibenta.’’

‘‘Oo. Lahat nabenta na ang paintings niya. Ta­nging ang self portrait niya ang naiwan sa akin.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“At palagay mo nasa loob ng painting ang CD?’’

“Oo.’’

“Bakit hindi mo buksan? Baka naroon nga e di ikaw na ang magbigay sa PDEA para ganap na mahuli si Tsekwa. Para matapos na ang salot na drug lord na yun.’’

“’Yan nga ang iniisip ko, Anto. Babalik na ako sa Maynila bukas na bukas din. Okey ka na kahit iwan kita.’’

“Oo naman. Maga­ling na ako.’’

“Sige bukas ng uma­ga, aalis na ako. Gusto kong makarating sa Maynila para malaman kung nasa loob ng painting ang CD.’’

“Mag-ingat ka Robert. Palagay ko baka sinusubaybayan ka na rin ng mga tauhan ni Tsekwa.’’

“Mag-iingat ako, Anto. Ikaw, sigurado ka bang kaya mo nang nag-iisa?”

“Kayang-kaya!’’

NANG dumating sa Manila si Robert, ang painting agad ni Mahinhin ang hinarap niya.

Kinuha niya ang painting­ sa pagkakasabit para tingnan kung naroon ang CD.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: