PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(86)

NAUPO sa kama si Anto. Malakas na ang katawan nito. Nagkuwento ng mga narinig sa tatlong tauhan ng drug lord na si Tsekwa.

“Narinig kong sabi ng lider ng mga lalaki, isang CD ang hawak ni Mahinhin. Laman ng CD ang pag-uusap ni Tsekwa at iba pang drug syndicate. Masyadong mabigat at sensitibo ang usapan na nasa CD kaya gustong makuha kay Mahinhin.’’

“Paano napasakamay ni Mahinhin ang CD?’’

“Hindi nabanggit sa usapan. Basta mayroong hawak na CD si Mahinhin­ at iyon ang ipinahahanap­ sa mga tauhan.’’

“Kaya pala nagtago si Mahinhin. Mayroon pala siyang iniingatang CD. Delikado pala ang buhay niya.’’

“Oo, Robert, mitsa ng buhay niya ang CD.’’
“Saan kaya niya itinago ang CD at saan sila nagtatago ng kanyang kapatid na si Bighani’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ano ba ang huli ninyong pag-uusap Robert?’’

“Nagtapat ako sa kanya ng pag-ibig pero ituring ko na lang daw siyang kaibigan. Naguluhan nga ako, Anto. Akala ko, okey na kami. Akala ko, mahal niya ako. Pero magturingan na lang daw kaming­ magkaibigan.’’

“Kasi nga’y may problema siya.’’

“Sana pinagtapat niya sa akin.’’

“Bukod dun wala ka nang ibang naalala na maaring konektado sa hinahanap na CD.’’

“Wala na Anto.’’

Napahinga si Anto nang malalim.

“Wala ba siyang binigay sa’yo?’’

Nag-isip si Robert.

Hanggang maalala niya ang self-portrait painting ni Mahinhin.

Posible kayang nasa loob niyon ang CD?

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: