PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(85)

AWANG-AWA si Ro­bert nang makita ang kalagayan ni Anto. Nakabenda ang mukha dahil sa bugbog. Nadamay ito dahil sa kanya. Kung hindi siya nagpunta rito sa Maragooc para hanapin si Mahinhin alyas Bianca ay hindi ito mabubugbog.

Pero walang sama ng loob si Anto. Nakangiti pa rin ito. Mabuting kaibigan si Anto.

“Kumusta ka na Anto?’’

“Okey na ako Robert. Mabuti at nakarating ka kaagad. Pinatawagan lang kita kay Manny. Sabihin sa iyo na dapat pumunta ka agad.’’

“May hula ka na ba kung sino ang may kagagawan nang pambubugbog sa’yo?’’

“Oo. At iyan nga ang dahilan kaya kita pinatawagan kay Manny.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“May alam ka na, Anto?’’

“Oo. Narinig ko mismo sa mga taong bumugbog sa akin. Nagpatay-patayan ako para malaman ang misteryo at hinahanap si Mahinhin. Ma­bigat ang problema ni Mahinhin o Bianca, Robert.’’

Natigilan si Robert. Mukhang ito na ang kasagutan sa mga katanungan niya kung bakit nagtatago si Mahinhin.

“Ano ang nalaman mo Anto?’’

“Nairekord pala ni Mahinhin ang conver­sation ni Tsekwa sa big time drug lords sa Hong Kong at iba pang local na drug lords. Nasa isang CD raw ang usapan. At iyon ang hinahanap ng mga taong bumugbog sa akin. Ayaw nilang maniwala sa akin na hindi ko kilala si Mahinhin o Bianca. Sabi ko wala akong kilalang Bianca. Nagalit kaya binugbog ako nang walang puknat.’’

“Kawawa ka naman. Kasalanan ko lahat ito. Kung hindi ako nagpunta rito ay hindi ka madadamay.’’

“Wala yun, Robert. Huwag mong isipin yun.’’

Tinapik ni Robert ang braso ni Anto.

“Napakabuti mo Anto.’’

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: