PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (84)

“PUWEDE ba akong humiling sa’yo, Manny? Ti­nulungan mo na rin lang ako e lubusin mo na.’’

“Oo Anto. Ano ba ang hihilingin mo?’’

“Pakitawagan mo na­man sa telepono ang ka­ibigan ko sa Maynila. Robert ang pangalan niya. Eto ang number niya, pakiusap, Manny.’’

“Oo, para yun lang. Gusto mo tawagan ko na ngayon din?”

“Oo, Manny. Eto ang perang pangtawag.’’

Nagtungo sa pinakamalapit na pay phone si Manny at tinawagan si Robert.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gulat na gulat naman si Robert nang mag-ring ang phone niya sa bahay. Bihira ang tumatawag sa kanya kaya hindi agad niya sinagot ang phone. Baka kasi manloloko. Hanggang sa mawala ang pag-ring.

Nang muling mag-ring, ipinasya na niyang sa­gutin.

“Hello?”

“Magandang umaga po Mang Robert. Ako po si Manny, kaibigan ni Anto. Meron pong nangyari kay Anto at nasa hospital siya ngayon.’’

Shock si Robert.

“Anong nangyari kay Anto, Manny?’’

“Binugbog po siya. Akala ko nga po, mamamatay na. Mabuti po at naisugod ko agad sa ospital. Okey na po siya. Hiling po ni Anto na pumunta ka rito. Hihintayin ka raw po niya.’’

“Sige Manny , salamat sa iyo. Sabihin mo kay Anto na darating ako. Aalis ako ngayon din.’’

“Opo, sasabihin ko po kay Anto.’’

Pagkatapos mag-usap ay nag-empake ng ilang damit si Robert at nagbiyahe patungong pro­binsiya. Nahuhulaan na niya kung sino ang mga bumugbog kay Anto.

Mga tauhan ng drug lord na si Tsekwa!

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: