PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (83)

“ANTO! Anto! Gising!’’ Sabi ng lalaking iigib ng tubig. Binitiwan na nito ang timba at dinaluhan si Anto.

Tinapik-tapik ng lalaki sa balikat si Anto.

Bahagyang umungol si Anto.

“Anong nangyari? Magsalita ka Anto!’’
Pero pawang ungol ang sagot ni Anto.

Pinilit ibangon ng lalaki hanggang sa naitayo niya. Nagkaroon ng wisyo si Anto.

“Dadalhin kita sa ospital, Anto!’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tumango si Anto.

“Sinong bumugbog sa’yo?”

Umiling si Anto.

Pinilit ng lalaki na madala sa may kalsada si Anto. Hanggang sa matanaw niya ang isang paparating na traysikel. Pinara niya.

“Emergency ito! Tulungan mo ako Pre. Baka kung mapaano na ito.’’

Naisakay nila si Anto sa traysikel at mabilis na naisugod sa ospital sa bayan.

Ginamot agad si Anto.

Hindi naman siya iniwan nang mabait na lalaki. Nakabantay ito kay Anto.

Hanggang sa sabihing doctor na okey na si Anto.

Sa isang room dinala si Anto.

Kinabukasan, naka­kapagsalita na si Anto.

“Salamat Manny at tinulungan mo ako. Akala ko mamamatay na ako.’’

“Sino ba yung mga bumugbog sa’yo?’’

“Hindi ko kilala.”

“Bakit ka kaya bi­nugbog?’’

Napahinga si Anto nang malalim.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: