PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (81)

NAG-UUSAP ang tatlong tauhan ni Tsekwa Scarface makaraang bugbu-gin si Anto. Lingid sa kaa­la­man ng tatlong tauhan, may wis­yo si Anto at pina­ki­kinggan ang pinag-uusapan nila. Nagkunwaring patay si Anto.

“Ano ba yung mara-ming alam ng Bianca na iyon at gusto siyang mapatay o makidnap ni Tsekwa?’’

“Tungkol sa shipment ng shabu. Narinig umano lahat ni Bianca ang usapan ni Tsekwa at ng kontak nitong drug lord sa China at Taiwan. At bukod doon, narinig din ang pakikipag-usap ni Tsekwa sa isang mataas na opisyal ng Customs. Lahat daw ng usapan ay nairekord ni Bianca at nasa tape. ‘Yung tape ang kailangang makuha ni Tsekwa. Kailangang masi-ra yun.’’

‘‘Ganun ba? Ngayon ko lang nalaman ‘yan.’’

‘‘Mahina ka talaga sa balita. Bobo ka talaga.’’

‘‘E nasaan na raw yung tape?’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Gago ka talaga! Yung si Bianca nga e hindi natin makita e yung tape pa.’’

“Anong gagawin natin?’’

“Nag-iisip nga ako gago.’’

“Wala namang alam itong matandang binugbog natin. Hindi alam kung nasaan si Bianca.’’

‘‘Oo nga! Buwisit talaga!’’

‘‘Anong gagawin natin kay Tanda?’’

“Hayaan na lang natin dito! Patay na ‘yan eh.’’

‘‘Aalis na tayo?’’

“Oo kailangang makarating tayo sa hideout   ni Tsekwa sa Bayan.’’

“Saan yun?’’

“Dun sa green building malapit sa police station.’’

Nagtawa ang kausap.

“Ang galing talaga ni Tsekwa, sa malapit pa sa police station naglungga.’’

‘‘Para hindi paghinalaan, he-he-he!’’

Ang lahat nang iyon ay narinig nang nagpapatay-patayang si Anto. Alam na niya ang dahilan kung bakit hinahanap si Mahinhin o Bianca. At alam na rin niya kung saan ang lungga ni Tsekwa. Kaila-ngang maipaalam niya kay Robert ang natuklasan niya. (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: