PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (80)

“MATIGAS ka Tanda!’’ Sabi ng pinakalider ng mga lalaki at sinikmuraan si Anto. Aring­ king sa sakit si Anto.

 “Nasaan si Bianca? Yung nude dancer!’’

“Hindi ko kilala ang sinasabi mo!’’

Inupakan pa si Anto ng lider. Napayupyop si Anto. Nakahalik ang mukha niya sa dingding dahil sa pagsapak sa kanya.

Pilit siyang pinaaamin ukol kay Bianca o Mahinhin pero wala naman talaga siyang alam dito.

Pinagtulungan pang suntukin at sipain si Anto. Nabugbog siya nang todo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero wala siyang aaminin. Wala siyang alam.

Hanggang sa maisip niyang magpatay-patayan.

“Patay na yata yan, Johnny! Hindi na yata humihinga.’’

“E di itapon na lang natin sa dagat.”

“Huwag, hindi kasama yan sa iniuutos ni Scarface. Yung babae ang pinahahanap sa atin.’’

“Anong gagawin natin kay Tanda? Mukhang wala talagang alam.’’

“Hayaan na natin. Mukhang wala tayong mapipiga diyan. Tingnan mo kung patay na.’’

Pinulsuhan.

“Buhay pa ito Johnny.’’

“Sige iwan na lang natin. Kailangang makita natin si Bianca. Malilintikan tayo kay Scarface kapag hindi siya nakita.’’

Naririnig ni Anto ang pinag-uusapan ng tatlong lalaki.

“Ano bang meron ang Bianca na yun at hinahabol ni Tsekwang Scarface?’’

“Marami siyang alam. Maraming-marami!’’ (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: