PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(78)

“TATLONG lalaki ang nakita kong aali-aligid sa bahay nina Mahinhin, Robert. Kahina-hinala ang kanilang kilos,” sabi ni Anto.

Kinabahan si Robert sa sinabi ni Anto. Masama ang kutob niya.

‘‘Paano mo nalaman na aali-aligid ang mga lalaki, Anto ?’’

“Nakita ko mismo. Di ba sabi mo e pasyal-pasyalan ko ang bahay nina Mahinhin at bakasakaling umuwi na sila. Tamang-tama pagpunta ko kahapon, nasalubong ko sila. Hindi naman ako nagpahalata na kilala ko ang nakatira sa bahay. Tinanong ako kung nasaan ang may-ari ng bahay. Sagot ko e hindi ko alam. Tumingin sa akin ang mga lalaki na parang nagdududa. At nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na tiningnan pa ang mga lalaki at baka makahalata.’’

“Sa palagy mo mga ano sila?’’

‘‘Hindi ko masabi pero ang itsura nila e parang hindi gagawa ng mabuti.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

‘‘May mga baril bang dala?’’

“Hindi ko nakita pero siguro ay nasa baywang ang baril.’’

“Mag-ingat ka Anto at huwag na munang pupunta sa bahay. Delikado!’’

“Bakit Robert?’’

“Maaaring tauhan ng drug lord na si Tsekwa Scarface ang mga lalaki.’’

“Sinong Tsekwa Scarface.’’

“’Yun ang dating may-ari ng KTV club na pinagtatrabahuhan ni Mahinhin. Bigtime drug lord siya at mayroong nalalaman si Mahinhin sa kanya kaya hinahanap. Hindi ko pa alam ang dahilan pero maaaring may kinalaman sa drugs.’’

“Ganun ba?’’

“Kaya huwag ka na munang pupunta sa bahay nina Mahinhin.’’

“Okey Robert.’’

“Mag-ingat ka Anto.’’ (Itutuloy)  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: