^

True Confessions

Nunal (77)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SANA ay mahuli na si Tsekwa. Malakas ang kutob ko, siya ang dahilan kaya nagtatago si Ma-hinhin,” sabi ni Robert.

Sumang-ayon naman si Nesto.

“Ang hindi ko lang alam ay kung tungkol sa droga o sa nabigong pagtatangka ni Tsekwa na ma-rape si Mahinhin.’’

“Baka pareho, Sir Ro-bert. Nabigo siya sa pagkuha kay Mahinhin tapos ay nabuking pa ang pagi-ging drug lord niya. Ang laki nang kabiguan niya.’’

“Tama ka, Nesto.’’

“Palagay ko, Sir Robert, pinaghahanap na ng mga tauhan ni Tsekwa si Mahinhin. Kaya sana, magtago silang mabuti dahil hindi sila bubuhayin ng mga tauhan ni Tsekwa.’’

“Pareho tayo ng kutob. Kung maaari ko lang ta-wagan o i-text si Mahin-hin, ginawa ko na sana para mabigyan siya ng  babala. Pero hindi ko nakuha ang number niya.’’

Napa-tsk-tsk si Nesto.

“Salamat sa mga tulong mo Nesto. Sana samahan mo ako sa paghahanap kay Mahinhin. Baka mayroon kang mapapagtanu-ngan.’’

“Sige Sir, mag­ta­tanung-tanong ako. Tutulungan kita.’’

“Salamat. Dalasan mo ang punta rito, Nesto.

“Opo Sir.”

ISANG araw nakatanggap ng tawag si Robert mula kay Anto. Nagulat siya kung paano nalaman ni Anto ang landline niya. Sa isang payphone tumatawag si Anto.

“Paano mo nalaman ang number ko, Anto.’’

“May naiwan kang booklet sa bahay na may mga number. Dun ko nakuha ang number.”

“Bakit ka napatawag, Anto?’’

“Ibabalita ko na may mga lalaking umaaligid sa bahay nina Mahinhin. Parang mga sanggano.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with