^

True Confessions

Nunal (75)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SA palagay mo Nesto, may nalalaman si Mahinhin alyas Bianca sa pagi-ging drug lord ni Tsekwa kaya nagtago ito?” tanong ni Robert.

“Maaari po Sir Robert. Maaring may narinig si Mahinhin ukol sa lawak ng negosyong droga ni Tsekwa.’’

“Hindi kaya dahil t­inanggihan ni Mahinhin si Tsekwa at nang tangka siyang puwersahing makipagtalik ay hinampas niya sa mukha ng bote ng pabango ang manyakis.’’

“Posible rin po Sir Ro-bert. Maaring galit na galit si Tsekwa. Kasi nagkaroon po nang malaking sugat sa pisngi si Tsekwa dahil sa paghampas ni Bianca este Mahinhin. Nagkaroon nang malaking pek­lat sa pisngi si Tsekwa.’’
“Ganun ba ang nangyari? Hindi sinabi ni Mahinhin  na sa mukha niya hinampas si Tsekwa – sabi niya sa ulo.’’

“Meron din pong sugat sa ulo. Pero matagal pong itinago ni Tsekwa ang sugat sa pisngi. Wala kaming alam sa Pugad Uwak na si Bianca este Mahinhin pala ang may kagagawan niyon. Hanggang sa isara na nga ang Pugad Uwak at nabulgar na drug lord pala ang Tsekwa na yun. Nang salakayin ang Pugad Uwak, may nakitang sache ng shabu. Nalaman din na pinagda-drug din ang dancers. Nakatakas si Tsekwa at hindi malaman ang kinaroroonan.’’

“Salamat sa info, Nesto. Saan ka na ba ngayon nagwo-work?’’

“Waiter pa rin Sir Ro-bert. Diyan sa Ongpin.’’

“Puntahan mo ako sa bahay pag may time ka.” Ibinigay niya ang address at phone kay Nesto.

“Sige Sir Robert.’’

Naghiwalay na sila.

LALONG lumaki ang isipin ni Robert kay Mahinhin. Posibleng hinahanap nga ito ng drug lord na Tsekwa. Iyon ang dahilan kaya ito nagtatago.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with