^

True Confessions

Nunal (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INIHATID ni Robert si Mahinhin sa bahay. Wala si Bighani nang dumating sila.

‘Hindi ba kayo natatakot ni Bighani rito. Kayong dalawa lang e pareho kayo ba­bae?’’

“Sanay na kami. At saka wala namang mga nagtatangka rito. Wala pa kaming nalalaman na may mga krimen dito na naganap.’’

“Wala bang naba-balita na may addict sa shabu rito?’’

“Wala pa akong nababalitaan.’’

“Kasi’y halos lahat na yata ng lugar sa bansa ay may shabu. Kaya nakakatakot na sa gabi.’’

‘Sabagay hindi na kami lumalabas ni Bighani sa gabi. Maaga kaming nagsasara ng bahay.’’

“Malayo pa rin dito ang kapitbahay ano?”

“Oo.’’

Nagpaalam si Mahinhin.

‘Ikukuha kita ng meryenda. Nagluto ako ng puto kanina.’’

“Sige, tamang-tama nagugutom na nga ako.’’

Nang bumalik si  Mahinhin, may dala nang puto sa bandehado.

“Eto na ang puto. Masarap yan.’’

“Alam ko. Natikman ko na ito nang una akong magtungo rito.’’

“Mamaya pagka-tapos mong kumain ipakikita ko sa iyo ang aking paintings. Yun ang aking pinagkakakitaan ngayon.’’

“Sige, bibilhin ko lahat.’’

Nagtawa si Mahinhin.

Pagkatapos kumain, ipinakita ni Mahinhin ang kanyang paintings.

Gulat na gulat si Robert sa paintings. Magaganda. May oil painting at acrylic. Hindi niya akalain na ganito kahusay si Mahinhin sa pagpipinta.

Ibang klase ang talento ni Mahinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with