^

True Confessions

Nunal (59)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HANGGANG ngayon, hindi nalalaman ni Bighani ang mga nangyari sa akin sa Maynila. Ang buong akala niya ay nagsara ang aming kompanya kaya bigla akong umuwi. Sana, Robert, tuparin mo ang pangako sa akin na wala kang sasabihin kay Bighani. Please ha?’’ Nagmamakaawa ang boses ni Mahinhin.

“Ipinapangako ko Mahinhin.’’

“Salamat Robert.’’

“Pero alam mo Mahinhin, kahit siguro ipagtapat mo kay Bighani ang mga nangyari sa iyo sa Maynila, palagay ko hindi siya magagalit. Dapat pa nga siyang matuwa at ipagmalaki ka dahil nagawa mo ‘yun para siya mapag-aral.’’

Nag-isip si Mahinhin.

“Naguguluhan ako Robert. Isa pa baka hindi ko masabi nang harapan kay Bighani. Nahihiya ako. Ang taas kasi ng pagka-kilala niya sa akin.’’

“Bakit di mo subukang ipagtapat? Malay mo mali pala ang nasasaisip mo ukol sa iyong kapatid. Yun pala, mauunawaan ka.’’

“Pag-iisipan ko Robert. Salamat sa payo mo.’’

“I-try mo lang Mahinhin.’’

Napatango na lang si Mahinhin at saka ma-patingin kay Robert.

Nagtanong uli si Robert.

“Hindi ka na sinundan   ni Tsekwa?’’

“Hindi na. Akala ko nga noong una, susundan ako rito. Hindi pala. Baka natakot din dahil lumaban ako sa kanya. Hindi siya umubra sa akin.’’

“Puwedeng natakot siya.’’

“O baka naman pinalilimot lang niya ang mga nangyari at kapag malamig na ang isyu saka susundan dito.’’

“A dito siya matatapos. Hindi siya makakalabas nang buhay dito.’’

“Ang tapang mo Mahinhin.”

“Naging matapang ako dahil sa mga pagsubok. Marami kaming pinagdaanang magkapatid at iyon ang dahilan kaya nagkaroon ako nang kakaibang tapang.’’

“Talagang kahanga-hanga ka, Mahinhin.’’
Maya-maya pa nagpaalam na si Mahinhin.

“Uuwi na ako, Robert.’’

“Akala ko ba maliligo ka sa ilog.’’

“Mamaya na lang. Uuwi  muna ako.’’

“Ihahatid na kita, Mahinhin.’’

“Kakahiya sa’yo, Ro-bert. Huwag na lang.’’

“Basta ihahatid kita.’’
Tumayo si Robert.

Nang akmang tatayo si Mahinhin, kinuha niya ang kanang kamay nito at inalalayan sa pagtayo.

“Salamat, Robert.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with