^

True Confessions

Nunal (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAPANSIN ko, na ma­raming nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa loob ng bus terminal. Nagtataka ako kung bakit ganun ang pagkakatingin nila. Hanggang sa maalala ko, manipis ang suot ko. Bakat ang dibdib ko at ang panty. Hiyang-hiya ako. Mabuti na lamang at may ukay-ukay shop sa terminal. Doon ako pumasok para makapaghanap ng damit. Ang problema, wala naman akong pera. Sa pagmamadali kong makatakas sa Tsekwa, nakalimutan kong magdala ng pera.

“Nilakasan ko ang loob. Nakiusap ako sa ba­baing tindera na kung puwede’y uutangin ko muna ang mapiipiling damit. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin. Awang-awa ang tindera sa akin. Pumayag siya at tinulu­ngan pa akong magha­nap ng damit na babagay sa akin. At sa pagkagulat ko, ibinili pa niya ako ng bagong bra at panty. Mahirap daw magbiyahe kung walang bra. Pinasa­lamatan ko nang walang patid ang tindera. Pero hindi lang yun ang itinulong niya sa akin, pati pamasahe sa bus ay sinagot din niya. Napakabuti ng babaing yun na ang pangalan ay Marie. Ipinangako ko kay Marie na babalikan ko siya para bayaran ang lahat nang ginawa niyang tulong sa akin.

“Hindi ko ipinagtapat kay Bighani ang nangyari sa akin pero gulat na gulat siya sa bigla kong pag­da­ting. Bakit daw hindi ko man lang sinabi sa kanya na uuwi ako. Sabi ko, big­lang nagsara ang kom­panya namin. Walang sabi-sabi. Nalugi kasi kaya sinara ng may-ari.

“Nalungkot si Bighani sa sinabi ko, kasi nga’y nag-aaral pa siya at alam niya na maaaring matigil siya sa pagkokolehiyo. Pero agad kong sinabi na maghahanap uli ako ng trabaho at hindi siya hihinto sa pag-aaral.

“Hanggang sa magkaroon uli ako ng interes sa pagpipinta at iyon ang naging daan para magkaroon uli ako ng trabaho. Nahilig ako sa mural painting at nalaman iyon ng mayor. Ako ang pinagpinta niya sa bagong gawang pader. Malaki ang binayad sa akin. Nakapagpatuloy ng pag-aaral si Bighani…’’

Tumigil siya sa pagsasalita. Namutawi ang ngiti sa mga labi.

Humanga si Robert sa lakas ng loob ni Mahinhin. Napakabuting kapatid  nito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with