^

True Confessions

Nunal (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG ginawa sa’yo ng DOM na Tsekwa?’’

“Pinasok ako sa aking kuwarto. Gabi. Natutulog ako.’’

“Paano nakapasok?’’

“Kasi dun mismo ako nakatira sa building na kinaroroonan ng Pugad-Uwak KTV. May sarili akong kuwarto roon. Isa iyon sa hiniling ko sa Tsekwa nang magsimula sa club. Siyempre dahil pag-aari niya ang building­, may susi siya.’’

“Anong nangyari?’’

“Naramdaman ko na may nagsususi sa pinto. Ganunman, hindi ko inin­tindi dahil karaniwan na ang ganung tunog at isa pa, hilung-hilo na ako sa antok at pagod. Mahirap din ang magsayaw at magbuyangyang. Pero narinig ko ang kalabog makaraang isara. Nagi­sing na ako. At nakita ko ang Tsekwa na halos lumuwa ang mga mata na nakati­ngin sa katawan ko. Manipis ang suot kong pantulog kaya aninag ang aking­ katawan. Bigla siyang naupo sa tabi ko kaya nayugyog ang kama.

“Dun na ako nagising! Nang ipatong niya ang kamay sa hita ko, natauhan na ako. Sabi ng Tsekwa, marami na raw siyang puhunan sa akin kaya kaila­ngang singilin na ako. Sabi pa ng walanghiya, ka­ila­ngan daw matikman na niya ako. Matagal na raw siyang atat na atat sa akin. At nang akmang hahawakan ang harapan ko, nahagip ko sa ulunan ng kama ko ang malaking bote ng pabango at inihampas ko sa mukha ng Tsekwa. Pero hindi rin napigilan sa matinding pagnanasa sa akin at itinuloy ang paghipo sa harapan ko. Parang hayok na aso na ang Tsekwa. Pero dahil buo ang loob ko, lumaban ako. Pinalo ko muli si Tsekwa. Ubos lakas. Sapol sa noo. Dumugo. Natigilan nang mahipo na may dugo. Sinamantala ko ang pagkakataon, nagmamadali akong luma­bas sa kuwarto…’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with