^

True Confessions

Nunal (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NANINIWALA kasi ako na magiging mabuting asawa ang babaing may nunal sa likod ng tuhod, Mahinhin,” sabi ni Robert.

“Pero ang nunal ko e nasa likod ng hita, ano ka ba?’’

“Malapit na iyon sa likod ng tuhod di ba?’’

“Naniniwala ka pa ba sa mga pamahiin o kasa­bihan? Computer age na ngayon, Robert at tingin ko sa’yo e nag-aral pero naniniwala ka pa rin sa mga kung anu-anong paniwalaan dili.’’

“Basta naniniwala ako Mahinhin. Ang babaing may nunal sa likod ng tuhod at hita ay magiging­ mabuting maybahay. Ma­rami nang nagsabi sa akin at maging ang nabasa ko sa internet. Marami nang patunay.’’

Nagtawa si Mahinhin pero mahina lang. Talagang hindi siya naninniwala sa mga kahulugan ng nunal o ano pa mang palatandaan sa katawan.

“Sige ikaw ang bahala Robert. Kanya-kanya naman tayong paniniwala. Iginagalang ko ang paniniwala mo.’’

“Salamat Mahinhin.’’

“Basta huwag mo lang kalimutan ang pangako sa akin na hindi mo sasabihin kay Bighani ang aking lihim.’’

“Pangako, Mahinhin.’’

“Gusto kong manatili kay Bighani na kagalang-galang at uliran akong kapatid. Ayaw kong masira ang pagkakakilala niya sa akin.’’

“Wala akong sasabihin kay Bighani.’’

“Salamat uli.’’

Naibaling ni Mahinhin ang tingin sa ilog.

Sinamantala ni Robert ang pagtatanong.

“Bakit nga pala bigla kang nawala sa Pugad-Uwak KTV. Bigla ka na la­­mang hindi pumasok. Wa­lang nakaalam sa pag-alis mo.’’

“Mahabang kuwento.’’

“Ano yun?’’

“Dapat ko bang sabihin sa’yo.’’

“Sabihin mo na Mahinhin. Ako lang ang makakaalam.’’

Muling tumingin sa ilog si Mahinhin.

Maya-maya, nagkuwento na ito.                  (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with