^

True Confessions

Nunal (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAHIT hindi mo sabihin sa akin yun Mahinhin, wala akong balak na ipagtapat ang nalalaman ko sa kanya. Nang malaman ko mula kay Bighani na ikaw ang nagpaaral sa kanya mula nang mamatay ang inyong mga magulang, alam ko nang mabuti kang kapatid. At ang isang mabuting kapatid ay hindi kailanman sinasaktan. Kahit ano pa ang mangyari, wala akong sasabihin kay Bighani.’’

“Maraming salamat Robert. Nakatagpo kami ni Big­hani ng kaibigang katulad mo. Siyanga pala, bakit mo ako sinundan dito sa ilog?’’

‘‘Gusto nga kitang makausap tungkol sa lihim mo. Kasi’y noong una tayong magkausap, napansin ko nang nag-worry ka. Halatang-halata ko sa expression ng mukha mo ang pagkabalisa nang marinig ang pangalang Bianca.’’

‘‘Oo nga Robert talagang nag-worry ako nun. Sino ba naman ang mag-aakala na mayroong makakakilala sa akin. Ang buong akala ko, dahil liblib na lugar na itong Maragooc ay wala nang ma­kakakilala sa akin bilang nude dancer. Buo ang paniwala ko, maililihim habang panahon ang pagiging dancer. Talagang walang lihim na hindi nabubunyag ano?’’

Napatango si Robert.

“Pero bakit nga ba talaga narito sa Maragooc, Robert. Paano ka nakarating dito e liblib na itong barangay namin.’’

“Mahabang kuwento, Mahinhin.’’

“Sige na ikuwento mo na. Buong buhay ko e kinuwento ko na e tapos ikaw hindi. Madaya ka. Nakita mo pa na nga lahat sa akin tapos ayaw mong magkuwento.’’

Hindi makapagpasya si Robert kung sasabihin na ang totoo. Pero naisip niya, malalaman din ni Mahinhin ang lahat kaya bakit hindi pa niya sabihin.

“Alam mo Mahinhin, weird yata ako. Kasi kakatwa nga ang dahilan kung bakit ako narito sa Maragooc.’’

“Bakit weird?’’

“Kaya ako narito ay dahil naghahanap ako ng babaing may nunal sa likod ng tuhod.’’

Napakunot ang noo ni Mahinhin.

“Babaing may nunal sa likod ng tuhod? E ako may nunal sa likod ng hita. Baka naman ako ang hinahanap mo, Robert.’’

“Ikaw nga.’’

“Sabi mo sa nunal sa likod ng tuhod.’’

‘‘Wala kasi akong makitang babae na may nunal sa likod ng tuhod kaya ikaw na lang ang sinundan ko rito. Iisa rin naman siguro ang kahulugan niyon – tumaas lang ng konti ang nunal imbes sa likod ng tuhod e sa likod ng hita.’’

Nagtawang bigla si Mahinhin.

“Ano ka ba Robert, pati ba naman ako na dancer e pinag-interesan mo?’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with