^

True Confessions

Nunal (50)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SIGURADO si Ro­bert na maliligo sa ilog si Mahinhin (alyas Bianca). Ganitong oras ang iskedyul ng paliligo ng magkapatid. Pero bakit kaya wala si Bighani. Laging magkasama ang magkapatid sa paliligo. Baka naman may mahalagang ginagawa si Bighani kaya hindi sumama kay Mahinhin.

Sa isang banda, maganda ngang nagsosolo lang si Mahinhin para makakapag-usap sila nang masinsinan.

Gusto niyang ma­kausap si Mahinhin para maipakilala rito nang lubusan ang kanyang sarili. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang nadaramang pagkagusto kay Mahinhin. Mas malapit pa rin sa kanyang kalooban si Mahinhin.

Pero nag-isip din si Robert habang sinusundan si Mahinhin. Hindi kaya ma­ga­lit ito kapag kinausap niya. Baka sampalin siya o paluin. Hindi pa niya kabisado ang ugali ni Mahinhin.

Huwag na kaya niyang sundan at baka mapasama lamang ang lahat. Hayaan na lamang niya ang “lihim” ni Mahinhin alyas Bianca. Maaari namang­ magsawalang kibo siya. Ano pa ba ang halaga niyon? Isa pa may mabuting motibo si Mahinhin kaya na­ging nude dancer sa KTV.

Kaya nanaig pa rin ang kagustuhan niya na makausap nang masinsinan si Mahinhin. Kailangang magkausap sila ni Mahinhin.

Binilisan niya ang lakad. Malayu-layo na si Mahinhin. Malapit na sila sa ilog. Kailangang makausap niya ito bago makalusong sa ilog.

Nakita niyang lumiko si Mahinhin. Bi­nilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw na­man niyang tawagin ito. Hahayaan na lang niyang makita siya nito.

Pero nagtaka siya nang pagliko ni Mahinhin ay bigla itong nawala.

Nasaan na si Mahinhin?

Parang bula na na­wala!

Luminga-linga siya. Wala.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with