^

True Confessions

Nunal (49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PALAGAY ko Anto, ayaw ni Mahinhin na masira ang pagkakilala sa kanya ni Bighani kaya nang itanong ko sa kanya ang tungkol kay Bianca ay nagulat siya. Hindi siya naka­pagsalita.’’

“Inililihim niya ang naging trabaho sa May­nila, ganun ba?’’

“Oo, Anto. Siyem­­p­re ayaw niyang ipa­alam na nag-dancer siya habang nasa Maynila.

“E ano naman ang pagkaalam ni Big­ha­ni na trabaho ng kanyang Ate Hinhin sa Maynila.’’
“Artist daw.’’

“Artist? Yung mga nagdodrowing?’’

“Oo. Pintor daw si Mahinhin. Katunayan, e mayroon siyang pini-paint sa kanilang bahay. Yun daw ang trabaho ni Mahinhin sa Maynila hanggang sa magsara raw ito.’’

“Talagang lihim na lihim ang trabaho ni Mahinhin ano?  Maski ang mga taga-Maragooc ay walang nakakaalam na nude dancer si Mahinhin. Pero bakit kaya ang pagsasayaw ng hubad ang pinasok niyang trabaho. Wala na bang ibang trabaho maliban sa pagsasa­yaw nang hubad?’’

“Hindi ko rin alam ang sagot, Anto. Pero tama ka puwede namang magtrabaho sa fast food chain ano bilang crew. Sigu­ro’y dahil sa malaki ang bayad sa pagsasayaw kaya tinanggap niya. Na­­ging star dan­­­cer nga siya.’’

“Sana ma­kausap mo siya Ro­bert.’’

“Yan ang gagawin ko.’’

KINABUKASAN, inabangan ni Robert ang paglabas ni Mahinhin sa bahay. Hanggang matiyempuhan niya. Maliligo ito sa ilog. Susundan niya.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with