^

True Confessions

Nunal (46)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HALATA ni Robert na nagulat si Hinhin nang marinig ang pa­ngalang “Bianca”. Hindi ito nakapagsalita. Malakas ang kutob ni Robert na si Hinhin at si “Bianca’’ ay iisa. Hindi niya makakalimutan ang magandang mukha ni ‘‘Bianca’’ habang gumigiling sa entablado ng Pugad-Uwak KTV sa Pasay. Kahit pa papalit-palit ang makukulay na ilaw, nangingibabaw pa rin ang mukha ni ‘‘Bianca’’. Hindi siya maaring magkamali na ang babaing kaharap ay ang ‘‘star dancer’’ sa Pugad-Uwak.

‘‘Excuse me Robert, may gagawin pa pala ako,’’ sabi ni Hinhin sabay tayo at humakbang.

Hindi naman nakakilos si Robert sa ginawa ni Hinhin. Sinundan na lang niya ito ng tingin.

At nakumpirma niya na si Bianca at si Hinhin ay iisa. Nasulyapan niya ang nunal nito sa tapat ng hita nito. Maikli ang palda na suot ni Hinhin kaya nasapol niya. Wala na siyang duda na si Hinhin ay ang babaing matagal na niyang hinahanap.

“Robert, uminom ka muna nitong buko juice,”’ sabi ni Bighani.

Nagulat siya sa pag­lapit ni Bighani.

‘‘Salamat, Bighani.’’

‘‘Nasaan si Ate Hin­hin?’’

‘‘May gagawin pa raw siya.’’

‘‘A baka mayroon siyang tatapusing trabaho.’’

“Anong trabaho?’’

“Nagpi-paint siya. Artist siya.’’

Natigilan si Robert. Naguguluhan siya.

‘‘Dati ay nagtatrabaho sa Maynila si Ate pero nagsara ang pinapasukan niya. Umuwi na lang siya rito sa Maragooc para dito na lang mag-work.’’

‘‘Ano ang trabaho niya sa Maynila?’’

‘‘Artist din.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with