^

True Confessions

Nunal (45)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagpahalata si Robert kay Bighani na mayroon siyang pagdududa sa ate nito na ang pangalan ay “Bianca”. Hindi siya maaaring magkamali. Ilang beses na niyang napanood si Bianca sa KTV bar sa Pasay.

“Ang ganda naman   ng pangalan ninyong mag­kapatid,” sabi ni Robert kay Bighani. “Ikaw ay Bighani at ang ate mo ay si Mahinhin.’’

“Ganun talaga ang  mga pangalan ng babae rito sa Maragooc. Mga pangalang Tagalog.’’

“Bakit ganun?”

“Mula pa raw noon ay ganito na ang mga pa­ngalan ng babae. Pa­wang mga Tagalog at nakasanayan na ito.’’

“Paano ang mga lalaki, Tagalog din ang pangalan?’’

“Hindi.’’

“Ah pawang mga lalaki lang.’’

“Oo. Hindi ko alam kung bakit.’’

“E kung lalaki siguro, magandang name ay Makisig, Matapang at Maliksi ano?’’

Nagtawa si Bighani.

“Oo tama ka, Ro-bert. E puwede kaya ang Mayabang?” Tanong nito.
“A hindi puwede.’’

“Bakit?’’

“Hindi maganda. Kung Matalino pa siguro maaari, pero ang mayabang ay hindi maganda.’’

“Oo nga ano. Bakit nga kaya pawang babae lang ang may Tagalog name. Siguro alam ni Ate Hinhin ang sagot.’’

Maya-maya pa ay lumabas na si Hinhin mula sa kuwarto. Nakapalda at blusa ito.

“O Bighani pinakain   mo na ba ng puto ang bi­sita mo?’’

“Oo Ate Hinhin. Nasarapan nga siya sa luto mo.’’

“Oo nga Hinhin. Mara­ming salamat.’’

“Walang anuman. Iku-ha mo siya ng maiinom, Bighani.’’

“Oo Ate, sandali lang.’’

Tumayo si Bighani.

“Maraming salamat sa iyo Mahinhin. Mababait pala talaga ang tao rito sa Maragooc na kahit ang isang dayo na tulad ko ay pinatutuloy at pinakakain pa.’’

“Depende naman kasi sa tao. Mukha ka namang mabait at edukado.’’

“Salamat Hinhin.’’

Hanggang sa magkatitigan sila.

“Alam mo Hinhin, mayroon akong kakilala na kamukhang-kamukha mo.”

“Talaga? Sino?’’

“Bianca ang name n’ya.’’

Namutla si Hinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with