^

True Confessions

Nunal (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“DUMATING na si Ate!’’ sabi ni Bighani kay Ro­bert.

“Baka magalit ang Ate mo Bighani. Pinatu­loy mo ako rito kahit wala kang kasama.’’

“Okey lang yun. Ma­bait naman si Ate.’’

Tumayo si Bighani para salubungin ang ka­patid sa pinto.

Nanatili namang nakaupo si Robert at nag-iisip. Mabait nga kaya ang kapatid ni Bighani? Sabagay, wala naman siyang ginagawang masama. Ano kaya ang itsura ng ate ni Bighani. Siya kaya ang kasama ni Bighani na naligo noon sa Ilog Pola? Hindi niya nakita ang mukha nina Bighani noon pero tiyak niya na ang mga ito ang naligo noon.

Halos mapanganga si Robert nang makita ang ate ni Bighani. Shock siya sa nakita. Ang ate ni Bighani ay si Bianca --- ang babaing hinahanap niya noon pa! Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaing ito ang dancer sa Pugad Uwak KTV bar sa Pasay. Star dancer si Bianca.

Ipinakilala siya ni Bighani.

“Ate Hinhin, si Robert.”

“Hi Robert.’’

“Hi Hinhin.’’

“Pinagmeryenda mo ba siya Bighani?’’

“Huwag na. Aalis na rin naman ako. Nagpasa­lamat lang ako kay Bighani dahil sa tulong.’’

“Magmeryenda ka muna. Bighani bigyan­ mo siya ng puto at kut­sinta. Magbibihis lang ako.’’

“Oo Ate Hinhin.’’

Pumasok na sa kuwarto si Hinhin.

Sinundan ng tingin ni Robert. Hindi siya maaaring magkamali, si Bianca at si Hinhin ay iisa.

Pinakain siya ni Bighani ng puto.

“Mabait pala ang Ate mo, Bighani.’’

“Oo.’’

“Ano ang panga­lan niya?’’

“Mahinhin.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with