^

True Confessions

Nunal (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HALOS hindi na humihinga si Robert habang pinanonood ang babae sa ilog. Ito ang babaing hinahanap niya. Eksaktung-eksakto ang nunal na hinahanap niya. Dito lamang pala sa Bgy. Maragooc niya makikita ang babae. Sa tagal ng kanyang paghahanap sa babaing may nunal­ sa likod ng tuhod, dito lamang pala niya matatagpuan.

Ngayong may babae na siyang nakita na tumutugma sa kanyang hinahanap, hindi na niya hahanapin si Bianca. Bakit pa niya hahanapin gayung sa likod ng hita ang nunal nito. Isa pa, masyado na siyang na­hi­ra­pan sa paghahanap­ sa babaing iyon. Magpopokus na lamang siya sa babaing naliligo sa ilog. Ito ang sigurado. Hindi na niya hihiwalayan ang babaing ito kahit na ano pa ang mangyari.

Muli niyang tinanaw ang babae. Nakalubog na ang kalahati ng katawan nito sa tubig at nakaharap sa direksiyon na kanyang kinakukublihan. Hindi naman siya nakikita ng babae dahil malago ang kahoy at mga damo na pinagkukublihan niya.

Hangang-hanga siya sa babae. Napakaganda pala nito. Hula niya ay mga 21 anyos ito. Super-ganda ng mukha. Hindi siya kumukurap sa pagkakatingin sa babae.

Binalak ni Robert­ ang mga gagawin. Maki­ki­pagkilala siya sa babae. Susundan niya ito kung saan umuuwi. Hindi na niya pakakawalan. Aakyat siya ng ligaw at magtatapat ng pag-ibig sa babae. Kung ang mga magulang nito ay hihingi ng anuman sa kanya, ibibigay niya. La­hat ay gagawin niya para mapangasawa ang babaing ito.

Nang inaakala niyang tapos na sa paliligo ang babae ay naghanda si Robert. Susundan niya ito.

(Itutuloy)  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with