^

True Confessions

Nunal (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGKUBLI sa isang ma­laking puno ng katmon si Robert. Mula roon ay matatanaw niya ang mga babaing maliligo. Iyon din ang eksaktong lugar na kinakitaan niya kahapon sa dalawang babae. Hula niya, iyon ang paboritong pinagliliguan ng dala­wang babae.

Pero inabot na si Ro­bert ng isang oras sa pag-aabang sa mga babae ay wala pa siyang nakikitang naliligo. Naisip niya, baka naman hindi araw-araw naliligo ang mga babaing iyon. Baka dito sa Maragooc ay hindi uso ang araw-araw na paliligo. Hindi kasi mainit ang panahon dito hindi katulad sa Maynila na laging pinapawisan. Pero si Robert na rin ang bumawi sa naisip na yun sapagkat ang alam niya, ang mga Pinay ay malinis sa katawan. Kung maari ay tatlong beses kung maligo sa loob ng isang araw ang mga babae.

Naghintay pa si Robert. Hindi siya dapat mainip. Kailangan ay maging ma­tiyaga siya sa paghihintay.

Nagpalinga-linga siya. Sabi ni Anto, mag-ingat siya sa kobra. Nakiramdam siya kung may kumakaluskos sa paligid. Wala naman siyang narinig.

Naghintay pa siya. Su­mandal siya sa puno ng katmon. Kung may makakakita sa kanya rito maaaring mapahamak siya sapagkat aakusahan siyang naninilip. Baka mabugbog siya. Bahala na!

Eksaktong alas diyes, may narinig si Robert. May kumakanta!

Nang sumilip siya, isang babae. Maliligo! Ang babae sa hula niya ay ang isa sa nakita niya kahapon. Nasaan kaya ang kasama nito?

Naghubad ang babae. Nakatalikod ito.

Nasapol ni Robert ang nunal ng babae sa likod ng tuhod!

Ito ang babaing hinahanap niya!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with