^

True Confessions

Nunal (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS kumain, nagkuwentuhan sina Robert at Anto.

“Kaya lamang nagpunta rito sa Maragooc ay para hanapin si Bianca?”

“Oo. May nagsabi sa akin na taga-rito siya.’’

“Pero wala talaga akong kilalang Bianca rito sa Maragooc. Ang pangalan nga ng mga babae rito ay pawang Tagalog o Filipino. Karaniwang pangalan ay Mahinhin at Marikit. Walang Bianca.’’

“Baka nga alyas lang niya ang Bianca.’’

“Oo. Baka nga.’’

“Pero hahanapin ko pa rin siya, Anto.’’

“Sige at kapag hindi ako busy sa bukid ay tutulungan kita. Medyo marami kasing gawain ngayon dahil anihan. Mabilis mahinog ang mga palay dahil masyadong mainit ang panahon.’’

“Pero alam mo Anto, hindi pa ako kilala ng babaing hinahanap ko. Ako lang ang nakakakilala sa kanya.’’

Biglang nagtawa si Anto.

“Aba, kakaiba yata ‘yan. Ngayon lang ako nakarinig na ang isang babaing hinahabol ng lalaki ay hindi pa pala kilala. Paano nangyari yun?’’

Ikinuwento ni Robert kung paano niya nakita si Bianca. Pero hindi niya sinabi ang tungkol sa nunal nito.

“Dancer ang Bianca na yun?’’

“Oo.’’

“E di napakaganda?’’

“Maganda talaga.’’

“Sa palagay mo e dalaga pa?’’

“Palagay ko. Kasi ibang klase ang ganda ng kata­wan. Buung-buo pa.’’

Nagtawa si Anto.

“Ako ay hindi pa nakakakita ng babaing nagsasayaw, Robert.’’

Napangiti si Robert.

“Hayaan mo at ipagsasama kita sa Maynila at manonood tayo ng mga nagsasayaw na walang saplot.’’

“Sige. Pero marami akong gawain sa bukid.’’

“Kahit minsan lang. Mag­relaks-relaks ka naman, Anto.’’

“Sige. Sasabihin ko sa’yo.’’

 

KINABUKASAN, nagpaalam si Anto kay Ro­bert.

“Pupunta muna ako sa DENR at dadalhin itong kobra. Babalik ako agad.’’

“Sige Anto. Mamamasyal ako sa paligid.’’

“Punta ka sa may tabi ng ilog. Maganda roon.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with