^

True Confessions

Nunal (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“GAGATAAN ko ang tilapia. Kumakain ka ba nun Robert?’’ Tanong ni Anto.

“Aba oo. Masarap yun!’’

“Sasamahan ko ng dahon ng mustasa.’’

“Oo, Anto. Kumakain ako niyan.’’

“Tapos magsasaing ako ng bagong ani. Kaaani lang kahapon. Siguro’y hindi ka pa nakakatikim ng bagong ani ano? Sa May­nila e pawang luma na ang mga bigas. Naka-istak sa bodega kaya maumok.’’

“Oo nga Anto. Hindi pa ako nakakatikim ng bagong ani.’’

“Sige sandali lang itong lutuin. Maupo ka muna diyan sa salas at magpahinga.’’

“Salamat Anto. Nahihi­ya ako dahil ayaw mo akong pagbayarin ng renta.’’

“Para yun lang e. Huwag mo nang problemahin yun.’’

“Sige. Makakaganti    rin ako sa’yo.’’

Naupo sa silyang ka­wa­yan si Robert habang nagluluto sa kusina si Anto. Pinagmasdan niya. Nagparikit ng apoy sa dalawang kalan de uling. Nagsaing muna ito.  Pagkatapos ay nakita niyang nilinis ni Anto ang mga tilapia. Kinakaliskisan. Maya-maya nakita niyang nagkayod ng niyog si Anto. Nang matapos, piniga niya ang kinayod na niyog.

Isinalang na ang tilapia sa isang kalan makaraang lagyan ng ingredients.

Maya-maya pa luto na ang sinaing. Naamoy ni Robert ang bango ng sinaing. Bagong ani talaga ito.

Habang hinihintay ang pagkulo ng tilapia, nilapitan ni Anto si Robert.

“Mga kalahating oras pa at maaari na tayong kumain.’’

“Ang bango ng kanin, Anto.’’

“Bagong ani yan.’’

Bumalik si Anto sa kusina. Hinugasan ang mga dahon ng mustasa.

Nang kumulo ang tilapia, inilagay ang mga dahon. Isang kulo pa at nilagay ang kakang-gata.

Makaraan ang 15 minuto, luto na ang ginataang tilapia.

Nagsandok si Anto ng kanin. At saka ang tilapia. Kumuha ng dalawang pinggan at kutsara’t tinidor.

“Halika na, Robert. Kakain na tayo. Kung gusto mong magkamay, puwede kang maghugas sa lababo. Meron ding kutsara rito.’’

“Magkakamay ako.’’

Naghugas siya ng kamay at kumain na sila.

“Masarap kang mag­luto.’’

“Salamat. Kain ka lang nang kain.’’

Maya-maya pa, busog na si Robert. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with