^

True Confessions

Nunal (27)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAGBABAYAD ako ng upa, Anto. Kakahiya naman kung basta mo ako patitirahin sa bahay mo.”

“Halika at sa bahay natin pag-usapan, Robert. Baka lang hindi mo magustuhan ang bahay ko.’’

“Sanay akong tumira kahit saan, Anto.’’

Binilisan nila ang pag­lalakad. Nagpupumiglas pa ang kobra sa pagkakahawak ni Anto.

May labinlimang minuto silang naglakad. Natanaw ni Robert ang isang maliit na bahay na ang dingding ay tabla at pawid ang bubong. May bakod na mga gabrasong madre de cacao ang paligid ng bahay.

Pagdating sa bahay ay naghanap muna ng sako si Anto.

“Ilalagay ko lang sa sako itong kobra ha?’’

“Sige lang Anto.’’

Nagmasid-masid si Ro-bert sa paligid. May mga tanim na gulay sa unahan ng bahay – talong, ampalaya, kamatis at iba pa. Sa dako roon ay may manu-manong bomba ng tubig. Nakita rin niya ang isang nagsisilbing banyo at toilet marahil na ang dingding ay pawid. Walang bubong.

“Halika na sa itaas, Ro-bert,” yaya ni Anto.

Umakyat sila sa limang baytang ng hagdan.

Nang nasa itaas na sila nakita ni Robert ang dalawang upuang kawayan sa pinakasalas. Sa dako roon ay maliit na mesang kainan. Natanaw niya ang abuhan   at sa tabi ang hugasan ng pinggan. May malaking ta-payan sa ibaba ng hugasan.

“Pasensiya ka na rito sa bahay ko. Nag-iisa lang ako rito.’’

“Okey lang sa akin, Anto. E magkano ang renta ko rito?’’

“Huwag na!’’

“Naku nakakahiya Anto.’’

“Huwag na at nag-iisa naman ako rito. At saka ito ba namang itsura ng bahay na ito e pagkakakitaan pa.’’

“Nakakahiya sa’yo Anto.’’

“Basta dumito ka habang hinahanap ang sinasabi mong babae. Ano nga ang pangalan ng hinahanap mo?’’

“Bianca.’’

“Sige at ipagtata­nong ko rin.’’

“Salamat Anto.’’

“Teka at magluluto ako ng kakainin natin.’’

“Baka may mabibilhan ng ulam dito e bili na lang tayo para hindi ka na mag­luluto.’’

“Malayo! Sa kabila ng ilog Pola. Magluluto na lang ako. Masarap pa!”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with