^

True Confessions

Nunal (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKAPIRMI ang nakataas na ulo ng kobra at nakalabas ang sanga-sangang dila. Parang tuod na nakapako si Robert sa kinatatayuan. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Gayunman, pilit niyang nilabanan ang takot sa nakaambang tuklaw ng kobra. Naalala niya ang mga nabasa at napanood sa pelikula na huwag kikilos o gagawa ng anuman kapag nakaharap ang makamandag na ahas gaya ng kobra. Pumirmi lang. Hindi raw gagawa ng hakbang ang kobra hangga’t hindi gumagalaw ang kalaban. Nanatili si Robert sa posisyon. Bahala na! Ganunman, nagdasal pa rin siya na huwag matuklaw ng kobra. Alam niyang pinakamabagsik ang kamandag ng kobra. Walang ipinagkaiba sa rattle snake na makikita sa mga disyerto sa Africa. Minuto lang daw ang itinatagal ng buhay kapag natuklaw ng kobra.

Nagmistula siyang estatwa sa harap ng kobra. Patuloy na inilalabas ng kobra ang sanga-sangang dila. Gumagalaw-galaw din ang ulo nito. Katapusan na yata niya!

Pero sa pagkagulat ni Robert, isang lalaki ang biglang sumulpot sa likuran ng kobra.

‘‘Huwag kang ga­galaw! Kaya kong hulihin ang ulupong na ‘yan!’’ Sabi ng lalaki at walang anumang lumapit sa pinakabuntot ng kobra. Dinampot ang buntot nito at itinaas. Nawalan ng lakas ang kobra nang ibitin ng lalaki sa ere. Hindi ito makakilos. Na­wala ang malapad na leeg at hindi na ma­ilabas ang sanga-sangang dila.

Nakahinga nang ma­luwag si Robert. Whew!

Nakita ni Robert na walang anumang hinawakan ng lalaki­ ang ulo ng kobra at ibi­nuka ang bibig nito. Natambad ang da­la­wang mahabang pa­ngil. Binunot ng lalaki ang kanyang itak. Ini­lapat niya sa talim ng itak ang dalawang pa­ngil ng kobra at idiniin. May lumabas na kamandag doon. Umagos sa talim ng itak ang kamandag.

‘‘Wala nang kamandag ito! Tatalian ko na lang at saka da­dalhin sa DENR sa bayan. Bawal patayin ito!’’

‘‘Salamat sa iyo, Kabayan. Niligtas mo ako. Ako nga pala si Robert.’’

‘‘Ako naman si Anto.’’

‘‘Salamat uli Anto. Taga-Maynila ako. Nga­yon lang ako nakarating dito.’’

‘‘Ngayon nga lang kita nakita rito sa Maragooc.’’

‘‘Meron kasi akong hinahanap dito, Anton.’’

“Sino?’’

Sasagot na sana si Robert pero nagpipiglas ang kobra.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with