^

True Confessions

Nunal(23)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PUMUPUTOK pa lamang ang araw ay nasa Batangas City pier na si Robert. Ito ang una niyang pagtungo sa Oriental Mindoro. Naririnig na niya sa mga kasamahan sa trabaho na maganda sa Mindoro. Tatawid ng dagat mula Ba­tangas at hahantong sa Calapan Pier.

Kalmado ang dagat, natanaw ni Robert mula sa upper deck ng barko. Ngayon lang siya makakapagbiyahe na sakay ng barko. Hindi siya katulad ng iba na mahilig sa pamamas­yal. Pawang trabaho ang inatupag niya at ngayon na lamang nagkainteres na lumayo dahil sa isang “kakaibang misyon”. Kung hindi pa siya nagkainteres kay Bianca Nunal, baka nga hindi pa siya makasakay sa barko at makarating sa Oriental Mindoro.

Nang umatungal ang barko hudyat nang pag-alis sa Batangas Pier ay nakadama nang kasiyahan si Robert. Malaki ang paniwala niya na may ibubu­ngang positibo ang paghahanap niya kay Bianca sa probinsiyang pupuntahan.

Mahigit dalawang oras ang biyahe sa barko. Hindi nakatulog si Robert sa kinaupuan. Excited kasi siya. Ganun siya kapag masaya – ayaw dalawin ng antok.

Pasado alas nuwebe ng umaga nang dumaong ang barko sa Calapan. Nakisa­bay siya sa agos ng mga tao para bumaba ng barko.

Humantong siya sa mga hanay ng van na sasakyan patungo sa mga bayan ng Oriental Mindoro. Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong bayan ang nakakasakop sa Bgy. Maragooc. Pero nang magtanong siya sa isang lalaki na nagtatawag ng pasahero. Sinabi nitong sumakay nang patungong Pinamalayan at bumaba sa crossing o Siyete. Ganun ang ginawa niya.

Pagbaba niya sa Siyete, nagtanong uli siya kung saan ang Bgy. Maragooc. Sumakay daw siya ng traysikel at magpahatid sa may Ilog Pola. Sa kabila ng Ilog Pola ang Bgy. Maragooc.

Eksakto ang pagkaka­sabi ng lugar. Tumawid siya sa malinaw at malinis­ na Ilog Pola hanggang ma­rating niya ang Bgy. Maragooc. Sementado ang kal­sada sa barangay. Sa mag­kabilang gilid ng kalsada ay mga niyog, saging at punongkahoy.

First time niyang makarating sa ganitong lugar. Dito kaya talaga nakatira si Bianca Nunal?

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with