^

True Confessions

Nunal (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGBALIK uli si Robert­ sa Miguelin St. at nagba­kasakaling may ma­pag­tatanungan siya ukol kay Bianca. Kahit sa isip niya ay mahirap nang hanapin doon si Bianca, nanaig pa rin ang pagnanais na baka may isang taong magturo sa kanya. At sino ang makapagsasabi, baka masalubong niya ang babaing matagal na ring umaagaw ng kanyang panahon. Lahat ay gagawin niya kahit pa para siyang loko-loko na naghahanap sa babaing hindi naman siya kilala.

Umaga siya nagsimulang magtanong sa mga nakatira sa Miguelin. Natatandaan naman niya ang bahay na pinagtanu­ngan niya noon kaya iniwasan na niya ang mga iyon. Baka maulit lamang ang nangyari noong una siyang magtu­ngo rito na binara-bara siya. Mayroon pang babaing pi­nagmura-mura siya at may lalaking pilosopo na siya pa ang pinagalitan. Kapag nakita niya muli ang mga taong nakausap noon, iiwa­san na niya.

Awa ng Diyos, natapos ang kanyang pagtatanong at wala namang nagmura o namilosopo pero wala rin siyang nakuhang inpormas­yon na makakapagturo sa kinaroroonan ni Bianca Nunal.

At gaya nang dati, umuwi siyang bagsak ang balikat.

MAKARAAN ang isang buwan, muli siyang du­ma­law sa Pugad-Uwak KTV bar. Magbabakasa­kali uli siya.

Hindi pa nag-iinit ang kanyang puwit ay nilapitan siya ng waiter na si Nesto. Tuwang-tuwa ito nang ma­kita.

“Sabi ko na’t da­dalaw ka Sir Robert. Noon pa kita hinihintay.’’

“Ano ang balita, Nesto?’’

“May info ako kung saan makikita si Bianca.’’

Biglang sumaya ang mukha ni Robert.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with