^

True Confessions

Nunal (20)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses pang nag­ pabalik­balik si Robert sa Pugad­Uwak KTV bar pero walang maibigay na inpormasyon ang ka­ibigang waiter na si Nesto. Sabi ni Nesto, nagtatanung-tanong siya sa iba pang dancers at baka may nalalaman ang mga ito kay Bianca.

“Hindi kaya ang panga­lang Bianca ay alyas lang niya, Nesto?’’

“’Yan din ang hinala ko, Sir Robert. Meron ka­sing mga dancer na ayaw ilantad ang tunay na pa­ngalan.’’

“Kaya kahit na siguro­ suyurin ko ang lahat nang bahay sa Miguelin ay wala ring makakapagsabi dahil alyas lang ang Bianca ano?’’

“Posible po Sir Robert.’’

‘‘Sige, salamat sa tulong Nesto,’’ dumukot siya ng pera – P1,000 -- at iniabot kay Nesto. Tumanggi si Nesto.

“Huwag na Sir, wala naman akong naibigay na magandang info ukol kay Bianca Nunal.’’

“Okey lang yun, tanggapin mo na. Tulong ko na yan sa’yo.’’

Tinanggap ni Nesto.

“Ang laki nito Sir. Salamat nang marami. Malaking tulong ito sa pamilya.’’

‘‘Walang problema, Nesto.’’

‘‘Dumaan-daan ka Sir dito at baka makatisod ako ng info.’’

‘‘Okey, Nesto.’’

PERO hindi pa rin siya nagpaawat sa paghahanap­ kay Bianca Nunal. Sinubukan niyang hanapin sa mga KTV bars sa kahabaan ng Mabini. Bakasakali.

Kapag nasa stage na ang dancers, nanlalaki ang mata niya para masipat kung ang dancer na gumigiling ay may nunal sa likod ng hita.

Pero wala siyang ma­kitang may nunal sa likod ng hita. Pawang nunal sa likod at braso ang naki­kita niya. Talagang wala si Bianca!

Ilan pang KTV bars ang kanyang pinuntahan sa may Buendia pero wala talaga si Bianca Nunal.

Nasaan na kaya ang babaing iyon?

Pinahihirapan talaga siya!

Pero hindi siya titigil sa kabila ni­yon.

Lalo lang siyang hinahamon ni Bianca Nunal para magpatuloy na ha­­napin ito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with