^

True Confessions

Nunal (16)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPINASYA ni Robert na hanapin si Bianca. Paninindigan na niya ang ginagawa --- kabaliwan man ito – o kahit may magsabing engot siya. Wala naman siyang piniperwis­yong ibang tao. Basta gusto niyang makilala si Bianca na may nunal sa likod ng hita. Gusto niyang malaman kung ano ang kahulugan ng nunal na nasa likod ng hita. Maaaring hindi nagkakalayo ang kahulugan nito sa nunal na nasa likod ng tuhod.

Naalala ni Robert ang sinabi ni Jinkee na nakatira umano si Bianca sa Miguelin. Hindi niya alam kung nasaan ang Miguelin.

Ipinasya niyang mag-research gamit ang google.

Lumutang ang Mi­guelin St. sa Sampaloc, Manila. Kalye pala ito. Ngayon lang niya nalaman. Mahaba ang kalye na nagmumula sa may Dimasalang St. at Simon St. at nagtatapos sa may Fajardo St.

Pinlano ni Ro­bert ang paghaha­nap kay Bianca. Ka­hit gaano kahaba ang Miguelin St. ay susubukan niya. Nasimulan na rin lang niyang maghanap ng info kay Bianca kaya itutuloy na niya. Titingnan niya kung ano ang kalalabasan ng kanyang “kabaliwan”.

Kinabukasan, nagsimula na siya. Hindi na siya nagdala ng kotse dahil hindi niya kabisado ang hina­hanap. Isa pa, kaila­ngang magtanung-tanong siya kung may nakaka­kilala kay Bianca.

Sinimulan niya ang paghahanap sa may Fa­jardo St. Maliit na kalye lang ang Miguelin. Isang sasakyan lang ang kasya.

Unang napagtanu­ngan niya ay isang ma­tan­dang babae.

“May kilala ka po bang Bianca rito?’’

“Wala.’’

Lakad siya. Nagta­nong uli sa nakasalubong na lalaki. Wala ring kilalang Bianca.

Isang may edad na lalaki na nakaupo sa may tindahan ang nilapitan.

“May kilala ka po bang Bianca rito, Ma­nong?’’

“Wala. Baka roon.’’

Lakad uli siya.

Para siyang loko-loko na naghahanap ng karayom sa dayami.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with