^

True Confessions

Nunal (15)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BUHAY na buhay ang nunal ni Bianca, ano Sir?’’

“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng nunal sa likod ng hita?’’

“Hindi Sir. Wala akong alam sa ganyan.’’

‘‘A akala ko may nalalaman ka dahil nakita mo ang nunal ni Bianca.’’

‘‘Wala Sir. Saka wala naman sigurong ibig sabihin ang nunal ni Bianca.’’

‘‘Sa palagay mo, anong nangyari kay Bianca at bigla na lamang hindi pumasok dito?’’

“Wala akong ideya Sir. Ano po bang sabi ni Jinkee?’’

“Wala ring alam. Ti­na­nong ko kung alam niya ang tirahan ni Bianca basta ang sinabi e Miguelin. Alam mo ba ang Miguelin?’’

“Miguelin? Ano yun Sir?’’

“Hindi nga clear sa akin kung street ba yun. Mahina ako sa geography.’’

“Mas lalo ako Sir. Dito kaya sa Pasay yung Mi­guelin?’’

“Wala nang ibang alam si Jinkee. Hindi naman daw talaga sila magkaibigan dahil nga parang moody si Bianca.’’

Napatangu-tango ang waiter.

“E di hindi ka na pupunta rito sa Pugad-Uwak Sir?’’

“Dadalaw-dalaw ako. Baka biglang sumulpot si Bianca.’’

‘‘Sige Sir, aabangan kita.’’

 

LAGING iniisip ni Robert si Bianca. Para siyang baliw na nag-iisip sa babaing hindi naman siya kilala. Kung may ma­kakaalam ng kanyang mga iniisip, baka sabi­hing baliw nga siya. Saan naman nakakita ng lala­king dahil naniniwalang ang babaing may nunal sa likod ng tuhod ay magiging perfect wife ay pilit na naghahanap nito. At nang makita si Bianca na may nunal sa likod ng hita ay ito na ang naging laman ng kanyang isip. Baliw na yata siya dahil desperado nang makapag-asawa.

Saan kaya niya haha­napin si Bianca?

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with