^

True Confessions

Nunal (13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INISA-ISANG sinala ng tingin ni Robert ang may sampung dancers na nasa stage at kasaluku­yang gumigiling. Wala talaga ang number 13 na numero ni Bianca. O baka naman sa kalagitnaan ng show ito lalabas. Baka naman may bagong gimik ang management dahil nga star si Bianca. Si Bianca lang daw kasi ang talagang hinahanap ng mga customer ng Pugad-Uwak KTV at wala nang iba.

Pero wala talaga si Bianca at nanghihina­yang si Robert dahil ito lamang ang talagang pinupuntahan niya rito. Na­ging interesado siya kay Bianca dahil nga sa nunal nito sa likod ng kanang hita. Kahit hindi sa likod ng tuhod ang nunal ni Bianca, nagkaroon siya nang ma­tinding pagkainteres sa dancer. Aywan niya kung bakit. Naisip niyang baka ang nunal sa likod ng hita ay katulad na rin ng nunal sa likod ng tuhod.

Bakit nga kaya wala si Bianca Nunal? Ilang araw na kayang wala paborito niyang dancer?

Nang lumapit ang kaki­la­­lang waiter, dito niya itina­nong kung bakit wala si Bianca.

“Hindi ko rin alam Sir,’’ sabi nito.

“Bakit kaya?’’

“Basta hindi na lang pumasok.”

“Ilang araw na?’’

“Mula pa noong Lunes.’’

“Isang linggo nang wala. Bakit kaya?’’

“Walang makapagsabi kung bakit Sir.’’

“Baka maysakit ano?’’

“Kung maysakit e di sana nagpasabi siya Sir. Wala na­man daw pasabi.’’

“Kahit ang mga kasama niyang dancer wala ring alam?’’

“Wala naman kasing ka-closed dito yun. Mahirap ngang kausap dahil siya ang star dito sa club.’’

“Wala siyang kaibigan kahit isa man sa dancer?’’

“’Yung si Jinkee ang na­kikita kong kausap. Hindi ko lang alam kung friend sila.’’

“Anong number ni Jinkee?’’ Tumingin sa stage si Robert.

“Number 9, Sir.’’

“Yung maputi sa dulo?’’

“Opo.’’

“Baka may alam siya.’’

“Hindi ko alam Sir.’’

“Puwede kayang ka­usapin si Jinkee.’’

“Puwede Sir.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with